Power Ledger, ibinunyag ang pinakamalaking ‘choose your own energy source’ project sa France at sa…

This article was first published on Power Ledger - Medium
-----

Power Ledger, ibinunyag ang pinakamalaking ‘choose your own energy source’ project sa France at sa buong mundo

● Power Ledger at green energy retailer ekWateur, nakatakdang i-roll out ang energy trading platform sa 220,000 electricity meters sa buong France.

● Maaaring pumili ang customers ng uri ng renewable energy na nais nilang bilhin, pati na rin ang pagkukunang lokasyon, na sertipikado sa pamamagitan ng blockchain.

● Ang ikalawang yugto ng proyekto ay magbibigay-daan upang makabili at makapagbenta ng excess renewable energy ang mga residente sa pamamagitan ng peer-to-peer energy trading gamit ang isang feature ng bagong produkto ng Power Ledger na Vision.

Paris, France — 1 April 2020: Nakipagkasundo ang Power Ledger sa green energy retailer na ekWateur upang i-revolutionize ang electricity market ng France gamit ang teknolohiyang hahayaan ang consumers na i-customize ang kanilang energy mix sa kauna-unahang pagkakataon.

Mahigit 220,000 electricity meters sa buong France ang magkakaroon ng access sa bagong blockchain-enabled product ng Power Ledger na Vision, na nagsesertipika sa pinagmulan at pinagkukunan ng renewable energy.

Pahihintulutan ang households na pumili ng kanilang sariling energy mix at i-track ito in 30-minute intervals, at pumili ng isang sertipikadong pagkukunan at pagmumulan ng nabiling renewable energy.

“Napatunayan ng Power Ledger na gumagana ang teknolohiya at handa na kami ngayon para sa full-scale country rollout na magiging pinakamalaking proyekto namin sa ngayon. Kauna-unahan din ito sa buong mundo at sa energy trading, kung saan ang customers ay maaaring pumili ng kanilang energy mix habang kampate silang sertipikado ito sa pamamagitan ng isang immutable blockchain platform,” wika ni Power Ledger executive chairman Dr Jemma Green.

Ang nasabing teknolohiya ay magiging live sa buong network ng ekWateur sa dulo ng 2020.

“Nais man ng consumers na kumuha ng enerhiya mula sa solar rooftop panel ng kanilang mga kapitbahay, o mula sa isang wind farm sa Bordeaux, bibigyan sila ...

-----
To keep reading, please go to the original article at:
Power Ledger - Medium

Comments (No)

Leave a Reply